Matagal tagal na din ng huli akong nahulog para sa isang babae. Matagal tagal na din na nagkaroon ako ng commitment. Hindi ko alam kung magkakaroon pa ako ng panahon para doon. Hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang pakiramdam ng umiibig. Alam kong may mas malalim pang definition at symptoms bukod sa kinikilig, pag-blush, at pagbilis ng tibok ng puso. Sa ngayon, hindi ko alam kung inlove ako. Aminado ako gusto ko sya. Na hinahanap hanap ko sya bawat sandali. Na gusto ko sya kausap lagi kahit natuturete ako. Na hindi buo ang araw ko kapag hindi ko napagmamasdan ang maamo niyang mukha sa school. Takot na kong gumawa ng first move. Takot na kong manligaw. Ayaw kong umasa sa isang bagay na hindi naman para sa akin. Hindi ko alam kung ano ako para sa kanya. Kung may pag-asa ba ako o wala. Sabagay wala ako sa katayuan para manligaw. Isa lamang akong hamak na estudyante. Hindi ako ganon kayaman. Hindi ko sya mabibigyan ng mga bulaklak o malibre sa isang date. Siguro, mga once in two months lang. Pero eto lang ang alam ko. Lahat ng bagay na pinag bubutihan ko, inaalay ko para sa kanya. Gusto ko sya makasama habambuhay. Oo nga, mahal ko sya.
Second Semester Sentiments
Few days from now, classes will resume. It is officially the second semester of the school year 2009-2010. I started college way back 2007, and until now, I’m still in my first year. It’s my second chance, my final chance actually. It was the season when I started to get bored on my studies. When I dreamed of taking another course but they refused. I hope that now, I’ll do good. I will finish this and survive this freshman year. I hope that next year, I’ll be in my sophomore. I hope that I can maintain my grades at its best. I hope that I will not fall into boredom and depression. I hope that I will finally find my purpose in life.
Tragedy.. Hekhek
Tahimik lng akong tao nung high school. Yes madaldal ako, pero sa mga kaibigan ko lang. Siguro isip bata p talaga ako nun. Wala pa ako mga balak noon na magkagirlfriend or pursue a relationship, but I dreamt of having one. Puro pangarap nga lang. But still, naiilang ako kapag pinag-uusapan na ang mga bagay na tulad nito. That was me during my highshool days. And right now, I know marami mandidiri sa akin or something na hindi sila matutuwa kapag nabasa na nila to, lalo na ng mga close friends ko. Kung ano isusulat ko will be a major turn-off, pero bahala.
I never thought I’d change…
…this much.
Nung pagtuntong ko ng college nung una ok lang sabi ko. Focus muna ako sa studies and adapting to the new environment of the university. Highschool plang cnabi ko na sa sarili ko na wag na akong umasa na mag-kaka gf ako sa school.
Mali pala ako.
Cmula nung nagcollege ako, lahat nlng ata nagbago sakin… Di ko alam kung ano, basta alam ko nagbago ako. Dun na sa point na di ko na kilala sarili ko. Na isa na akong estranghero sa sarili kong buhay.
4th Year Highschool ako noon nung una akong magka girlfriend–or kung girlfriend nga ba ang matatawag mo dun.
I really don’t know what’s wrong with me at kung bakit parang late na ako na-engage sa relationships. Pwede rin na late bloomer ako.
Pasensya na, kopya lang yung ibang part dito. Hehehe, la naman siguro copyright ito, pero maraming salamat sa pinagkuhaan ko ng idea kung paano ko isusulat ito. Thanks to you!
o_0
Ayun, it happened with my cadette named Cha. Si Cha, di ko yan kilala nung 3rd year, nung 4th year ko lang siya nakilala. She was fun, perky, may katarayan but a really nice person. First training day un ng CAT, so todo japorms ako nun with fatigue and combat shoes. Puro babae kasi yung hawak kong kadete. And isa lang natatandaan that time: marami “daw” nagka-crush sa akin (di ko alam kung totoo) at all that time smile lang ako ng smile. After nung training, isang kaibigan nagsabi sa kin…
Friend:”Miah (yun tawag nila sakin), andaming nagkacrush sa’yo. Cute daw kasi ng smile mo. Kilala mo ba si Cha ****? Crush ka ata niya.”
That struck may curiosity. Naging interested ako dun sa girl na yun. I find ways para makuha yung no. niya. And I succeeded. Nakuha ko no. niya sa bestfriend kong si Ralph.
At first they were reluctant to give me her no. Di ko alam kung bakit, pero nagpumilit pa rin ako. Call that destiny or pagiging arrogant ng isang hopeless romantic, pero thankful ako na nagpumilit ako. Ako naman si gago, text kgad.
Malas lang….
Wala pala siya load nung time na yun.
The next day, vibrate nang vibrate cp ko during class. After class tiningnan ko inbox ko, nagtext na pala siya. Napangiti kagad ang loko a nagtext back.
Me: “Hi! I’m Jeremiah po. Kaw po si Cha diba?”
Cha: “Yup. Kaw po pala yung platoon leader namin. Nakakahiya naman po mkipagtextmate sa inyo.”
Me: “Hindi. Ok lang po yun. La naman po masama dun.”
And that’s where it all starts.
July 17, 2006 kami una nagkatext and we texted for a week. Nadevelop kagad ako sa kanya. Di ko alam kung pano, di ko pa naman kasi siya nakikita nun (dun ako nagkamali). Pero I was falling for her.
Malas ko nga lang, may M.U. pala siya nun that time. Saklap naman. Pero sabi niya ok lang naman daw. Gusto niya din naman ako. Natuwa naman ako. I was in high spirits that time
One saturday morning, bumabagyo nun, magka-txt kami and God know what, for some reasons something came up on our conversation.
Me: “Cha….”
Cha: “Bkit po?”
Me: “Ang lamig no? Pwede mo b ko i-hug?”
Cha: “Ok po”
blah blah blah
Okay, let’s be direct. Naging mag M.U. kmi that day mismo. It was like weird. She was my first girlfriend talaga. And even though I only see her as a crush that time, hell I was willing to give it a shot for the long run. I was gonna try to make it work–to fall inlove with her and make her fall for me too. Yung totohanan.
Eventually, nung monday, July 24, 2006, naging kami. Siguro ako yung nagpersuade sa kanya to make that decision, reluctant pa siya nun dahil may ka M.U. pa nga siya nun. Pero, she agreed na kami na, for my sake.
So there it was, my first gf on a Monday morning, July 24, 2006. AT first it all went out alright. The next day na di kami obliged na pumasok dahil may bagyo pumasok pa rin ako para makita ko siya. And she was very pretty. I was dumbfounded. Nauutal ako nung kausap ko siya, namumula at nahihiya, pero kinaya ko parin.
It was the first day of the weekly class, a Monday morning. As usual maaga akong pumasok. Excited na hindi mo maintindihan. Xempre unang araw ng pagpasok as a committed man.
Maraming comments ang nakuha ko simula nung naging kami ni Cha. Tumaas yung social status ko, daming lalaki ang nainggit sa kin dahil gf ko na si Cha. Marami din nagsabi sakin ng bad things bout her. Pinaglalaruan niya lang raw ako or ginagamit dahil officer ako, pero di ko pinansin yun. I was madly in love with her. Bakit ko sisirain pagsasama namin with doubts? Pero i know na di niya ko niloloko. Alam ko un, hehehe.
We’ve been on for two months, pasang awa pa yung 2nd month dahil nagselos siya sa classmate niya na pinicturan ko. Ayaw niya kasi na picturan ko siya, so iba nlng tuloy. Nalaman niya a nagalit siya. Nagbreak kami that night. The next morning gusto niya ako kausapin, pero di ko siya pinansin. I was being rude that time, at umiyak siya dahil dun, which made matters worse.
Nung break namin, I tried talking to her, pero sabi niya iyakan ko muna siya para patawarin niya ko. Hindi ko nagawa, so it’s official. Break n kami.
Nagkabati kami after a week ata. September 24 nagkaayos kmi and we decided to be mag M.U nalang, Pero after monday, di na niya ako pinapansin.
Masakit yun, pero tinago ko sa lahat ung nararamdaman ko. I pretended o be strong, pero malaki yung naging impact nun skin.
Pinagsabihan ako ng iba kong kaibigan.
“Ay naku Miah, alam mo pag yung unang relationship mo turned out to be gaguhan. Ikaw din, sa mga susunod na relationships mo gagu ka na rin.”
That’s what she said to me. And siguro totoo in someways. Eversince that incident, hindi na ako nag girlfriend. Hindi ako nanligaw. Hanggang tingin lang ako. I never even told anyone kung sino ang crush ko. They even thought na bading ako.
Siguro nga pinanghinaan ako ng loob nung nangyari sakin un. Kaya ayun lagi nalang ako ung naghihintay na lapitan, na mahalin. I never made the initial move since then.
Ewan ko ba, naging bisexual na ata ako. I turned into falling for men narin. Ayun, ewan ko ba. That’s life. Hindi ko pinagsisisihan yun. Baka nagkakamali lang kasi ako. Hindi pa rin kasi ako sure.
Since then marami na akong naging fling through txt but hanggang doon lang. I was too afraid to commit in person. Natatakot parin ako na baka ganun ulit ang kalabasan.
Ngayon, I’m single. Still in touch with my ex, casual friends pero hanggang don nalang. Umaasa na maging kami ulit and give me a third chance.
Normal turned weirdo.
Weirdo yet happy.
In the end I learned that in life, darating sa atin ang kung anu man ang para sa atin and that we should not be bored waiting. Happiness is felt by using not only ur heart but by ur heart and mind altogether.
Love…love parin yan…pag nawala na ang kilig at attached parin kayo sa isat isa. Still friends, happy together, willing to wait, that’s LOVE.
Maraming salamat sa pinagkuhaan ko ng ideas at ibang parts nung post na ito. Babawi ako promise!^^
